Mekaniko tinodas, tumodas patay sa lunod

MANILA, Philippines - Isang 32-anyos na meka­niko ang namatay sa paga­mu­tan matapos pagsasaksa­kin ng kanyang dating kaaway sa harap ng isang tire supply sa Sam­paloc, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang bikti­mang si Richard Valencia, ng Balasan St., Balut, Tondo, Maynila bu­nga ng tinamong saksak sa katawan.

Sa ulat ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, da­kong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng Just and Josh Tire Supply sa #2225 Tomas Mapua St., Sampaloc, Manila.

Sa nakalap na impormas­yon, dumating ang suspek at narinig ang mainitang pagta­talo ng dalawa hanggang sa nag­bunot ng patalim ang sus­pek at mabilis namang tu­makbo ang biktima upang makaiwas subalit nang ma­abutan ay mabilis itong inun­dayan ng saksak.

Sa hiwalay na report, hindi naman inaasahang ang sina­sabing suspek sa pagpatay kay Valencia ay nasawi din ma­tapos malunod umano sa isang creek sa panulukan ng Antipolo at Jose Abad Santos Sts., sa Tondo, Maynila.

Nabatid na isang alyas na Arnel, nasa 25-27, residente ng Valenzuela, Bulacan ang ingi­nu­ngusong suspek sa pana­naksak kay Valencia.

Kamakalawa ng gabi, ang suspek ay nakita na lamang nalulunod sa creek matapos itong tumalon pero hindi naman pala marunong lu­mangoy.

Sa ulat ni Det. Jay Santos ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:45 ng gabi nang malunod ang biktima sa creek sa kanto ng Antipolo at Abad Santos Sts., Tondo.

Sinabi ng mga nakakitang residente sa lugar na nagta­takbo umano ito na tila may huma­habol at napadpad sa nasabing creek.

Ipinagbigay alam ng mga residente sa MPD-station 7, kaya agad namang inireport sa pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na siyang nag-ahon sa bangkay nito.

Iniimbestigahan din kung sino ang humahabol sa sus­pect na posibleng kakilala naman ng biktimang si Valencia. (Ludy Bermudo)

Show comments