MANILA, Philippines - Sinimulan na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbibigay ng P2,000 monthly incentives sa mga retiradong pulis ng lungsod bunga na rin ng pagpapakita ng mga ito ng kanilang dedikasyon sa trabaho at pagbibigay ng tapat na serbisyo sa publiko.
Sa ginanap na programa, sinabi ni Lim na ngayon lamang nakalikom ang city government ng sapat na pondo upang ma punan ang pagbibigay ng P2,000 kada buwan insentibo sa may 1,000 retiradong pulis. Alinsunod naman ito sa ipi nasang ordinansa ng konseho ng Maynila.
Sinabi ni Lim na kung maganda at maayos ang koleksiyon ng buwis ng city government, nakatitiyak naman siyang tuluy-tuloy din ang pagbibigay ng naturang insentibo sa mga retired policemen. Magkakaroon lamang ng problema o mahihinto ito kung walang nakahandang pondo. (Doris Franche)