MANILA, Philippines – Upang masiguro na ligtas ang mga estudyante sa epidemya ng swine flue o Influenza A (H1N1) virus nanawagan si Quezon City Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na kung maari ay ipagpaliban muna ng isang Linggo ang pagbubukas ng klase. Ayon kay Bistek, kailangan umano ang mga kahandaan at kaalaman para sa mabisa at epektibong depensa laban sa nasabing sakit kung kaya hindi umano dapat madaliin ang pagsisimula ng klase. Giit ni Bistek, dapat na magkaroon ng pag-uusap ang mga magulang, kinatawan ng DepEd, School Board, Department of Health at mga opisyales ng lungsod para madesisyunan ang pagpapaliban ng pagbubukas ng klase. Aniya, malaking tulong sa kaligtasan ng mga kabataang estudyante kapag ipagpaliban muna ng DepEd ang klase. (Ricky Tulipat)