Ba­rangay executive officer, patay sa ambus

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ba­rangay executive officer matapos itong tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay nakasakay sa motorsiklo, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Sergio Cabantana, 42, nakatira sa Sitio 6, Ba­ran­gay Catmon ng na­bang­git na lungsod, nag­tamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan. Sa­man­tala, nag­sasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Paez St., Brgy. Concepcion ng lung­sod na ito.

Nabatid na minama­neho ng biktima ang kan­yang motorsiklo at habang binabagtas nito ang na­banggit na lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabi itong binaril na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek, na nagla­lakad lamang. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang at kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima bilang barangay executive officer. (Lordeth Bonilla)

Show comments