Pekeng cosmetic surgeon, timbog ng NBI

MANILA, Philippines – Tiklo sa isang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpapanggap na cosmetic surgeon maka­raang ireklamo sa pag­lalagay ng hindi akmang kemikal para sa breast augmentation, na nagiging sanhi umano ng kanser, sa Quezon City, sa ulat kahapon.

Nabatid na noong ka­makalawa (Lunes) ang isinagawang pag-aresto sa suspek na kinilalang si Ma. Antonieta Della, ng Ca­meron St., Project 4, Que­zon City.

Ayon sa ulat nakapiit na ang suspek na sinam­pahan ng kasong pagla­bag sa RA 2382 o Medical Act of 1959; estafa  o Article 315 at Article 22 o physical injuries­ sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC). 

Nabatid na naghain ng reklamo sa NBI ang mga nabiktima nito na isang Arlene Aquino; isang Jessie Naritong at isa pang Jen­ nylyn Tan kaug­nay sa pam­bibiktima sa kanila ni Della.    

Binanggit pa sa ulat na parang nagbebenta la­mang ng ordinaryong pa­ninda ang ginagawang pag-aalok sa kalye ni Della ng ‘home service’ sa breast augmentation sa napa­kamurang halaga kaya marami umanong kuma­kagat sa presyong mula P7-libo hanggang P10-libo, sa kabila ng hindi naman ito lisensiyadong doktor.

Dahil sa pagtitiwala, hindi umano alam ng mga kliyente na ang silicon oil sa halip na si silicone gel ang ini-implant ni Della sa mga ito ay naka­kasama sa katawan.

Nabatid na isang linggo,  matapos isagawa ang breast augmentation kay Aquino, nakaramdam uma­ no ito ng pagsakit ng suso at nilagnat kaya ipi­nasuri sa professional na mangga­gamot na nagpa­yong dapat agarin ang pag-aalis ng silicone oil na isinaksak sa kaniyang dib­dib o suso. (Ludy Bermudo)


Show comments