^

Metro

Fabella Hospital hiling maimbestigahan

-

MANILA, Philippines – Hiniling ng isang mag-asawa sa Department of Health (DOH) na siyasatin at suriin ang pasilidad ng Fabella Hospital dahil sa umano’y pagiging marumi na naging sanhi ng pagka­kasakit at pagkamatay ng mga bagong silang na sanggol dito.

Ayon kay Gomer Lope, 30, ng 1445 Kalimbas St. Sta. Cruz, Maynila, nais niyang masuri ng mga ki­na­uukulan ang mga pasi­lidad ng Fabella Hospital partikular ang Neonatal Intensive Care Unit (NICU) bunsod na rin umano ng sunud-sunod na pagka­matay ng mga sang­gol dito.

Sinabi ni Lope na ito ang dahilan kung bakit nais sana niyang ilipat noon ang kanyang anak sa ibang ospital. Subalit dahil na rin sa ginagawang pag­sasalin ng dugo sa sang­gol, hindi naisagawa ang paglilipat hanggang sa matuklasan ng kanyang misis na si Glenda ang nang­yari sa balat nito.

Sa pahayag ni Glenda, nagulat siya nang maki­tang nilalanggam ang kaliwang bahagi ng hita at tiyan ng kanyang anak. Ang kanyang anak ay nasa incubator. Dahil dito, mina­buti ni Glenda na kunan ng video ang sinapit ng sanggol. Ang pagkakaroon ng langgam ay sinupor­tahan din ng head nurse ng nasabing ospital.

Dito ay mas lalo pang naging pursigido ang mag-asawa na mailipat ang ka­nilang sanggol sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na nag­kum­pirma na may sepsis na ang sanggol ng dinala sa kanila noong Mayo 21 subalit namatay din ito kina­bukasan dahil nga sa naturang sakit.

Lumilitaw na bagama’t pinapalitan ang higaan ng mga namatay na sanggol, hindi naman ito nililinis na isa sa mga nakikitang dahilan ng pagkalat ng sakit sa NICU. Dalawa hanggang tatlong sanggol umano ang namamatay kada araw dito. Isang im­pormasyon din ang na­kuha mula sa isang nurse ng hospital na isasara ang NICU upang linisin subalit mariin naman itong itinanggi ng ospital. (Doris Franche)


vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

FABELLA HOSPITAL

GLENDA

GOMER LOPE

KALIMBAS ST. STA

MEDICAL CENTER

NEONATAL INTENSIVE CARE UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with