Bentahan ng 'Hayden-Katrina sex video', bahay-bahay na
MANILA, Philippines – Habang umiinit ang kontrobersiya kaugnay sa sex scandal nina Dr. Hayden Kho at aktres na si Katrina Halili at sa sunud-sunod na raid sa mga bangketa na pinaglalakuan ng mga piniratang DVDs/CDs, ngayon bahay-bahay na ang bentahan ng kontrobersiyal na sex video.
Ang bentahan ng malalaswang pirated DVDs /CDs ay kinumpirma ng mga nakabiling mga re sidente sa mga lungsod ng Pasay, Makati at Parañaque na nagsabing kasama na sa imbentaryo ng mga nag-iikot at nagbebenta ang naturang sex scandal.
Batay sa pahayag ng mga residente, nabili nila sa harap mismo ng kanilang bahay ang kopya ng sex scandal nina Kho at Halili sa halagang P150 kada-kopya.
Maging sa bahagi ng Baclaran, Parañaque at kahabaan ng Taft Avenue, mula Baclaran hanggang Rotonda, ay nagkalat na ang mga nag-aalok ng naturang malaswang video bukod sa iba pang sex video na tila hindi napapansin ng awtoridad.
Upang hindi mabuko ang pagtitinda at pag-aalok ng video sa mga dumaraan, nag-uutos pa sa mga tinatawag na “runner” ang mga naglalako nito upang kunin sa tagong lugar ang kopya ng DVD na kanilang ibibigay sa nagbayad na parukyano.
Sa Pasay, nakakukuha ng kopya ang ilan sa mga interesadong parukyano sa pamamagitan ng blue tooth sa cellphone sa halagang P50.00 kada-kopya nito.
- Latest
- Trending