^

Metro

3 lider ng 'palaboy syndicate', nasakote

-

MANILA, Philippines – Tatlong lalaki na sinasa­bing lider ng isang sindikato ng mga batang snatcher at bukas-kotse ang nasakote ng Man­daluyong City Police sa isang entrapment operation sa ka­nilang kuta, ka­makalawa ng hapon sa natu­rang lungsod.

Kinilala ni Mandaluyong police chief, Sr. Supt. Carlos De Sagun ang mga nadakip na sina Rodolfo Repolyo Jr., 21; Gerry Cordero, alyas JR at Enrique Fajardo, 22. Nabatid na pa­wang mga miyembro ng Sputnik Gang ang mga suspek at naha­harap sa iba’t ibang kaso.

Nasakote ang mga ito ma­tapos na unang maaresto ang kanilang mga ginagamit na menor-de-edad na sina Lupin, 13-anyos at 14-anyos na tomboy na si Danica. Nabatid na inginuso ng dalawang tinedyer ang kuta at mga handler.

Sa ulat ni Mandaluyong Spe­­cial Operations Group, Chief Insp. Joselito Sta. Teresa, unang nagreklamo sa kanilang tanggapan si Jesus Palmos, ng European Commission, mata­pos na pagnakawan siya ng mga kabataan nang pasukin ang kanyang kotse habang naiipit sa trapiko. 

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan nasakote sina Lupin at Danica nang tangkaing pagna­kawan ang isang taxi. Nang isa­ilalim sa interogasyon, dito ikinanta ng mga ito ang kani­lang mga handler na siyang nagtu­turo umano sa kanila kung paano mabu­buksan ang mga nakakan­dadong pinto ng isang kotse. 

Sa mga nadakip umano nila ini-entrega ang kanilang mga ninakaw ngunit pinapar­tihan lamang sila ng 20% ng kani­lang mga natangay.

Kada gabi ay dalawang sa­sakyan umano ang kanilang nabibiktima lalo na kapag masikip ang trapiko sa EDSA. Modus-operandi ng sindikato na su­mampa sa hood ng kotse ang isa, habang sasalisi naman sa loob ng kotse ang kasabwat kapag lumabas ng sasakyan ang driver nito upang itaboy ang nasa hood. 

Matapos ito’y nagsagawa ng entrapment operation sina Sta. Teresa kung saan pinali­giran ang itinurong kuta ng mga suspek sa may Calbayog street, sa Brgy. Addition Hills, Manda­luyong habang mag-eentrega ng kanilang ninakaw sina Lupin at Danica sa mga suspek. 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan ng mga pulis. Nasa tatlo pang menor-de-edad ang nasagip ng mga pulis sa naturang ope­rasyon.

Sinabi pa ni Sta. Teresa na nasa 20 kabataan ang hawak ng naturang sindikato na pawang mga palaboy. Marami pa umanong tinuturuan ang sindikato na mga kabataan at hinihinala na may mga iba pang kasabwat ang tatlong nadakip.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 7610 ang mga suspek at pinag-aaralan pa ang iba pang kasong isasampa laban sa mga ito. (Danilo Garcia)


vuukle comment

ADDITION HILLS

CARLOS DE SAGUN

CHIEF INSP

CITY POLICE

DANICA

DANILO GARCIA

ENRIQUE FAJARDO

SHY

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with