MANILA, Philippines - Naghandog ng libreng bakuna o Diphtheria Tetanus Pertusis sa mahigit 4,000 bata sa Pasay City si Rafael Francisco, pangulo at COO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Ginawa mula kamakalawa sa Pasay Sports Plaza at Malibay Sports Gym ang Dr. Rotary DTP Vaccination Project na pinangunahan ni Francisco na isa ring dating governor ng Rotary District 3830.
Naisakatuparan ang proyekto sa tulong ni Pasay City Mayor Wenceslao Trinidad, Rotary Club of Pasay North, at mga health officials ng lunsod.
Simula noong 2004, ang Rotary Club of Pasay North ay regular na nagsasagawa ng libreng bakuna sa mga barangay ng Pasay, Manila, Quezon City, Cavite, Batangas at Mindoro.