May sayad Nagsayaw bago namatay

MANILA, Philippines - Isang babaeng pina­niniwalaang may “sayad” ang natagpuang wala nang buhay makaraang magsasayaw sa kalye sa harapan ng Paradise learning center sa Balut, Tondo, Manila kama­ kalawa ng hapon.

Ayon kina Barangay Kagawad Elsie Rivera at tanod na si Arcelito Belarmino ng Barangay 128, Zone 10, huling na­kitang buhay ang bik­tima na hubo’t hubad na nagsasayaw sa kaha­baan ng Road 10 at sa tagal umano ng pagsa­sayaw ay napagod at umupo sa tapat ng learning center. Maya-maya ay napahiga ito.

Makaraang ang ilang oras ay napansin na lamang na hindi gu­ma­galaw ang biktima at nang usisain ay patay na.

Wala pang maka­pag­sabi kung sino at saan nakatira ang bik­tima bagamat madalas nilang makita sa lugar na dumadaan ito. (Ludy Bermudo)

Show comments