MANILA, Philippines - Binatikos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang plano ng Land Transportation Franchising Regulatory Board na magbigay ng eksklu sibong karapatan sa ilang malalaking kumpanya ng taxi na kumuha ng pasahero sa malalaking shopping malls.
Sinabi ni Bautista na, sa naturang plano, mawawalan ng pag-asa ang mga maliliit at independent taxi operator at driver dahil monopolisado ng malalaking taxi company ang operasyon sa mga shopping malls.
Idiniin ni Bautista na naniniwala ang Quezon City na dapat tumalima sa patas na kumpetisyon ang mga negosyo sa lunsod. (Ricky Tulipat)