^

Metro

Dahil sa iPod, Kuya pinatay ni bunso

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Isang lalake ang pi­nagsasaksak at na­patay ng bunso niyang kapatid makaraang magtalo ang dalawa sa nawawalang iPod ng huli sa kanilang bahay sa Talon 4, Las Piñas City kahapon ng umaga.

Wala nang buhay nang maisugod sa Phi­lippine General Hospital bunga ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Loever Chavez, 22-anyos.

Agad namang na­aresto ang suspek na kakasuhan ng parricide na si Eric Vincent Cha­vez, 18-anyos, bunsong kapataid ng biktima.

Bago ang insidente, hinahanap ni Eric Vin­cent ang kanyang na­wa­walang iPod at una niyang pinagbintangang kumuha nito ang ka­niyang kuya.

Nagkaroon ng ma­initang pagtatalo ang magkapatid nang itanggi ni Loever ang akusas­yon hanggang sa sak­sakin ng suspek ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Sinabi naman ni Eric Vincent sa pulisya na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili dahil naagaw ng kan­yang kuya ang hawak niyang patalim bukod sa madalas na may na­wawalang gamit sa ka­nilang bahay na ka­gagawan umano ng biktima.

ERIC VIN

ERIC VINCENT

ERIC VINCENT CHA

GENERAL HOSPITAL

ISANG

LAS PI

LOEVER

LOEVER CHAVEZ

NAGKAROON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with