^

Metro

Padyak boy todas sa ka live-in ng kalaguyo

-

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na pedicab driver ang napatay matapos itong hatawin sa ulo ng umanoy ka-live-in ng kanyang kalaguyo ma­tapos na mahuli ang dalawa habang nasa aktong nagtatalik sa loob ng pedicab ng una kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Philippine General Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo ng biktimang si Joel Lourdes Atano,   naka­tira sa squatter area ng Muelle del Rio riverbank, Ermita, Maynila.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Steve, nasa 20-25 ang edad, side­car boy, at walang permanenteng tirahan.

Lumalabas sa imbestigasyon ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District (MPD) Ho­­mi­cide Section, dakong ala-1:45 ng ma­daling-araw ng maganap ang insidente sa loob ng nakaparadang sidecar ng biktima sa Muelle Del Rio ng nasabing lugar.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay sinundan ng suspek ang kanyang live-in partner na nakilala lamang sa alyas na Jennifer matapos na makatanggap ng impormasyon na nakikipagtagpo umano ito sa biktima na kan­yang kalaguyo.

Dahil dito kayat naaktuhan ng suspek ang biktima at ka-live-in nito sa loob ng sidecar na nagtatalik kayat mabilis itong umalis at kumuha ng isang malaking bakal na pamalo.

Kaagad umanong binalikan ng suspek ang dalawa sa loob ng sidecar at habang natutulog ang biktima at live-in partner sa pedicab ay bigla na lamang nitong pinalo ng bakal sa ulo si Atano. Bunsod nito kayat nagising umano si Jennifer at sa takot ay nagtatakbo ito ng walang saplot na pang itaas upang makalayo sa nagwawalang suspek samantalang hindi naman kalayuan sa lugar ng insidente ay na­gising ang asawa ng biktima na si Delia Ceniza na natutulog sa bangketa at saka nito na­diskubre ang duguang bangkay ng asawa. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DELIA CENIZA

EDGARDO KO

ERMITA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JENNIFER

JOEL LOURDES ATANO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MUELLE DEL RIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with