Binata dedo, 3 pa sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines – Isang binata ang patay, habang tatlo pa ang malub­hang nasugatan kabilang ang isang kagawad ng pulisya makaraang walang habas umanong mag­pa­putok ng baril ang isang hindi nakiki­lalang lalake sa lung­sod ng Quezon kamaka­lawa.

Kinilala ni Supt. Antonio C. Yarra, hepe ng Batasan Police­ Station 6 ang nasawi na si Aaron Caraan, 24, ng Saint Catherine St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Habang ang mga suga­tan naman ay kinilalang si Roy Sefriano, 21; Miguel Nieva, 44, at si SPO1 Byron Do­mingo, 53.

Base sa ulat ng pulisya sa Station 6, nangyari ang insi­­dente sa may Saint Ca­therine St.,Brgy. Holy Spirit dakong alas-11 ng gabi.

Diumano, naglalakad ang nasawing biktima at kasama   si Nieva nang bigla na la­mang sumulpot ang isang suspek na armado ng baril at pina­ulanan ng bala ang mga una.

Nang mapawi ang usok, nakita na lamang na dugu­ang nakabulagta at wala ng buhay si Caraan at may tama naman ng bala sa binti si Sefriano.

Sinasabing rumesponde naman ang pulis na si Do­mingo at barangay tanod ngu­nit maging ito ay pinag­babaril din ng nasabing suspek.

Nakaratay ngayon sa Gene­ral Malvar Hospital si Nieva pati na si Sefriano ha­bang si Do­mingo naman ay nasa East Ave­nue Medical Center. Patuloy naman ang isina­sagawang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insi­dente. (Ricky Tulipat) 


Show comments