Findings ng NBI, Trina Etong nag-suicide
MANILA, Philippines – Suicide. Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkamatay ni Trina Etong, maybahay ni ABS-CBN anchor Ted Failon.
Kasabay nito natuldukan na rin ang isyung may foul play sa pagkamatay ni Etong, na naganap noong Abril 15, 2009 sa loob ng kanilang bahay sa 27 Gen. Aquino St. Tierra Pura Homes, Tandang Sora, Quezon City .
“After careful perusal of the testimonial evidence and conscientious evaluation of the results, recommendations and conclusions of the Criminalistics, working as a team, as regards there investigative, technical, scientific and medical and psychiatric analyses, concludes that Trinidad Arteche-Etong indeed committed suicide,” ani NBI Director Nestor Mantaring sa pulong balitaan kahapon.
Sinabi ng NBI na pinagbasehan ang ballistic results at psychiatric analysis na tumukoy na nagpakamatay si Trina sa loob ng comfort room at nag-iisa ito sa banyo nang magbaril sa sarili. Binanggit din sa ulat na hindi maaaring magawa ni Ted Failon sa loob ng maikling oras ang krimen na nagmula pa sa kanyang programa sa ABS-CBN hanggang sa makarating sa kanilang bahay at naisugod pa sa New Era General Hospital si Trina.
Naging susi din ang pagbibigay ng testimonya ng kaibigan ni Trina na si Joy Tan, hinggil sa plano umanong pagpapakamatay nito at pagkumbinse sa kanya na palitan ng pangalan ang time deposit certificate ni Joy Tan upang may maipakita kay Failon, sa kabila ng wala na silang pera matapos maloko sa investment scam, ayon kay Regional Director Edward Villarta, hepe ng NBI-NCR.
“On April 3, 2009, Joy said that Trina called her and suggested to her to lend her a copy of their (Joy) time deposit certificate because Trina would then make some alterations of the name and amount and present it to Ted. Joy then said “Ayoko, kasi baka mahuli ni Ted, delikado. Pag nalaman ni Ted, sigurado magagalit sa amin,” ayon pa sa findings.
Bukod pa rito, natuklasan din gabi, bago ang pagpapakamatay, nagtungo umano si Trina sa kuwarto ni Karishma, ang 12-anyos na anak, at habang tulog ang anak ay nagsasalita umano si Trina na hindi siya makakadalo sa graduation sa Abril 4, ayon pa kay Villarta.
Una nang ibinasura ng Quezon City Prosecutors’ Office ang kasong obstruction of justice laban sa mga kasambahay at kapamilya ni Trina nang akusahan ng mga pulis Quezon City na pinagtakpan ang krimen nang linisin ang crime scene.
Kinatigan sa findings ang depensa ng mga kasambahay na dala ng pagkataranta ay sadyang nilinis ang bahay upang hindi malaman ng bunsong anak ni Failon ang madugong insidente sa kanyang ina.
- Latest
- Trending