^

Metro

Ginang lumagok ng lason, patay

-

MANILA, Philippines - Isang ginang ang lumagok ng lason dahil sa matinding sama ng loob sa isa niyang ka­anak na pumatay sa kanyang anak kamakalawa sa Caloocan City. 

Patay na nang idating sa Tondo General Hospital ang bik­timang si Emilyn Aresgo, 50, ng Kaunlaran Village, Dagat-Daga­tan ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, alas-3:45 ng hapon nang tumungga ng lason ang biktima sa tapat ng bahay nito.

Agad na dinala ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng kanyang mga kaanak, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nabatid na masama ang loob ng nasawi sa isa niyang ka­anak na si Conrado Men­doza, nasa hustong gulang ma­tapos na mapatay sa saksak ng huli ang anak ng una na si Raffy Mendoza, 24, noong April 18, 2009 sa kanilang lugar.

Lalo pang sumama ang loob ni Emily dahil hanggang sa ka­salukuyan ay hindi pa na­aaresto si Conrado na dinam­dam nito nang husto at dahilan upang kitlin nito ang kanyang buhay. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

CONRADO

CONRADO MEN

DAGAT-DAGA

EMILYN ARESGO

KAUNLARAN VILLAGE

LORDETH BONILLA

RAFFY MENDOZA

SHY

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with