^

Metro

P5.60 pasahe ng mga mag-aaral, balik sa pasukan

-

MANILA, Philippines - Dahil pasukan na sa Hunyo, balik na ulit sa P5.60 ang minimum na pasahe ng mga estudyante sa mga pampasaherong jeep. Hindi kasi naipapairal ang 20 percent discount para sa mga estudyante nitong nakalipas na summer dahil bakasyon ang mga mag-aaral.

Sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 1, simula uling magka­karoon ng epektibo ang discount sa mga mag-aaral. Ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep ay P7 at kung kakaltasin ang 20 percent discount na pasahe sa mga mag-aaral, aabutin na lamang sa P5.60 ang pasahe ng mga estudyante.

Ang naturang halaga ay para din sa mga senior citizen. Sa kanyang panig, pina­alala naman ni Land Transportation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suan­sing na tupdin ito ng mga driver sa mga pampasaherong jeep upang hindi maparusahan ng ahensiya. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN ALBERTO SUAN

CRUZ

DAHIL

HUNYO

LAND TRANSPORTATION FRAN

PASAHE

REGULATORY BOARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with