Mister pinagtataga, habang naglalaba

MANILA, Philippines – Naglalaba nga lang, nakur­su­nadahan pang todasin.

Ito ang sinapit ng isang mister matapos na pagtatagain ng isang lalake habang seryo­song naglalaba malapit sa kan­yang tahanan sa lungsod Quezon kahapon ng tanghali.

Si Rodrigo Roa, 38, negos­yante, ng #692 Grapes St., Brgy. Commonwealth ay agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente bunga ng hindi ma­bilang na mga taga sa kanyang buong katawan.

Natukoy naman ang suspek sa pangalang Jimmy Cabrera at residente rin sa nasabing lugar na ngayon ay tinutugis na ng awtoridad.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-12:15 ng tanghali. Diumano, busy sa pag­lalaba ang biktima nang bigla umanong sumulpot ang suspek bitbit ang gulok at walang sabi-sabing pinagtataga nito ang una.

Dahil nasorpresa, hindi na nagawang makapanlaban ang biktima hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng ulirat bunga ng pananaga ng suspek. Sina­sabing hindi tinigilan ng suspek ang biktima hanggang sa ma­tiyak na hindi na ito humi­hinga.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad upang matukoy ang tunay na motibo ng suspek sa pag­patay sa biktima. (Ricky Tulipat)


Show comments