Ex-teacher pinatay

MANILA, Philippines – Sinaksak hanggang mapatay ng hinihinalang holdaper ang dating gurong si Candida Dimaano-Dimapilis, 63, nang tumanggi siyang ibigay ang kanyang bag na naglalaman ng P20,000 sa di kilalang suspek dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa Quirino Hi-way , Novaliches , Quezon City.

Bigla na lang umanong sumulpot ang suspek at pilit na kinuha ang bag ng biktima at ng nanlaban ito ay agad na pinagsasaksak.

Pinagha­hanap ng pulisya ang suspek. (Ricky Tulipat)


Show comments