Vendors inabuso raw ng tanod

MANILA, Philippines – Kinondena ng grupong Ma­nininda Laban sa Ebik­syon at Pang-Aabuso-Kali­punan ng Damayang Mahi­hirap ang mga barangay tanod na umabuso umano at lumabag sa karapatang pantao ng mga mahihirap na vendors sa Brgy. Ba­tasan Hills, Quezon City.     

Ayon kay Diamond Ka­law ng Manlaban-Kada­may, biglang sinugod ka­ha­pon ng umaga ng mga ba­rangay tanod ang mga nagtitinda sa overpass ng Commonwealth Avenue malapit sa Sandiganbayan bago inagaw at sinunog ang paninda ng mga bik­tima. Umaabot umano sa P80,000 ang halaga ng na­pinsalang mga paninda na iniutang lang ng mga na­apek­tu­hang manininda.     

Si­nasabing pinigilan ng mga vendors ang mga tanod at tinangka pa nilang ba­wiin ang kanilang pa­ninda pero hindi na nila ito nagawa dahil naging abo na lamang ang mga ito na inu­tang pa nila ang puhu­nan dito. Idiniin ni Jon Vin­cent Marin, tagapagsalita ng Kadamay, na hindi na ma­katwiran ang pagma­mal­trato sa mga maralitang manininda at kinakaila­ngang magkaroon ng ma­linaw na mga batas na ku­mikilala sa kanilang hanap­buhay bilang lehitimo at pumoproteksyon sa kanila laban sa mga pang-aabuso. (Angie dela Cruz)


Show comments