Vendors inabuso raw ng tanod
MANILA, Philippines – Kinondena ng grupong Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-Aabuso-Kalipunan ng Damayang Mahihirap ang mga barangay tanod na umabuso umano at lumabag sa karapatang pantao ng mga mahihirap na vendors sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
Ayon kay Diamond Kalaw ng Manlaban-Kadamay, biglang sinugod kahapon ng umaga ng mga barangay tanod ang mga nagtitinda sa overpass ng Commonwealth Avenue malapit sa Sandiganbayan bago inagaw at sinunog ang paninda ng mga biktima. Umaabot umano sa P80,000 ang halaga ng napinsalang mga paninda na iniutang lang ng mga naapektuhang manininda.
Sinasabing pinigilan ng mga vendors ang mga tanod at tinangka pa nilang bawiin ang kanilang paninda pero hindi na nila ito nagawa dahil naging abo na lamang ang mga ito na inutang pa nila ang puhunan dito. Idiniin ni Jon Vincent Marin, tagapagsalita ng Kadamay, na hindi na makatwiran ang pagmamaltrato sa mga maralitang manininda at kinakailangang magkaroon ng malinaw na mga batas na kumikilala sa kanilang hanapbuhay bilang lehitimo at pumoproteksyon sa kanila laban sa mga pang-aabuso. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending