Demolisyon sa Taguig ipinatigil ng Pangulo

MANILA, Philippines – Ipinatigil na kahapon ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo ang pagdemolis ng mga kagawad ng Philippine Army sa libu-libong mga kabahayan sa Sitio Masigasig, Western Bicu­tan, Taguig.

Ayon kay Taguig Rep. Henry Dueñas Jr., mis­mong si Presidential son at Camarines Sur Rep. Dios­dado “Dato” Macapagal-Arroyo ang nag-abot sa kanya ng impormasiyon na inutusan na ng Pangulo si Armed Forces Chief-of-Staff Lt. General Victor Ibrado na ihinto na ang de­molisyon.

Bago ito, mag­damag namang hindi nakatulog kamakalawa ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil sa pagbabantay sa banta ng muling pag­dating ng mga militar upang ituloy ang naanta­lang demolisyon sa ka­nilang mga kabahayan. 

Ayon sa mga apekta­dong residente, hindi na­man sila tumututol sa isa­sa­ga­wang paggiba sa ka­nilang mga bahay pero ka­ilangan muna silang ma­bigyan ng tamang re­lokas­yon at kinakaila­ngang ma­kita rin nila muna ang ka­utusan mula sa korte na mag­­papa­tunay na kaila­ngan na silang mapaalis dito.

Matatandaan na nitong na­kalipas na linggo, dala­wang magkasunod na ma­rahas na demolisyon ang isinakatuparan ng mga tauhan ng Philippine Army sa Western Bicutan ka­bilang na ang Sitio Ma­sigasig.

Halos 20 katao ang nasugatan sa magka­bilang panig nang man­laban sa demolition team ang mga naapektuhang mga resi­dente. Mula naman sa 1,500 na naka­tirik na bahay, 100 na dito ang nagiba na at tinatayang aabot pa sa 1,000 pamilya ang mawawalan ng tirahan kaugnay sa nagaganap na demolition sa naturang lupain na pag-aari ng gobyerno.


Show comments