Bodegero itinumba

MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na bodegero na si Joseph Ditan ang sinaksak ng icepick at napatay ng mga hini­hinalang magnanakaw sa binaban­tayan niyang bodega sa Bonggavilla Com­mercial, Indus­trial Road, Malabon City kama­kalawa ng gabi.

Nawawala ang cellphone, pitaka, MP3 player at relo ni Ditan bagaman tinitignan din ng pulisya ang posibilidad na may sumadyang pumatay sa biktima at tinangay lang ang mga gamit nito para iligaw ang mga imbestigador. (Danilo Garcia)

Show comments