^

Metro

Tsinoy biniktima ng Laglag-Barya Gang

-

MANILA, Philippines - Isang 63-anyos na Tsinoy na si William Uy Ang ang natangayan ng pera at mahahalaganng dokumento makaraang mabiktima ng kilabot na laglag-barya gang sa isang bakery-restaurant sa United Nations Ave­nue, Ermita, Manila ka­hapon ng umaga.

Sinabi ni Uy na tatlong babae at isang lalaki ang mga suspek na tuma­ngay sa kanyang clutch bag na naglalaman ng P7,000 cash, mga iden­tication card at credit card.

Sinabi pa ni Ang na kumakain siya sa Deli­france restaurant nang lapitan siya ng isa sa mga suspek na naka­upo sa kabilang mesa. 

Sinabihan siya ng suspek na nahulugan siya ng barya sa natu­rang restawran. Yumuko siya para damputin ang P5 barya sa semento bagaman alam niyang hindi siya nahuhulugan ng barya. Iniabot niya sa waiter ang pera dahil hindi naman kanya yun.

Nang matapos siyang kumain at magbabayad na siya ay napansin niyang wala na sa kan­yang tabi ang kanyang clutch bag.

Wala na rin sa pinu­westuhan nilang mesa ang mga suspek. (Ludy Bermudo)

ERMITA

INIABOT

ISANG

LUDY BERMUDO

NANG

SHY

SINABI

SIYA

UNITED NATIONS AVE

WILLIAM UY ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with