^

Metro

Kaso ng karnap patuloy na tumataas

-

MANILA, Philippines - Sa kabila nang pagpapaigting ng pambansang pulisya sa police visibility, tatlong sasakyan kada araw ang nabibiktima ng grupo ng mga carjacker sa Kalakhang Maynila.

Kasabay nito, pinayuhan ng pulisya ang mga may-ari na    maglagay ng anti-thief devices o car alarm sa kanilang sasakyan.

Base sa report ng pulisya, nabatid na may 349 sasakyan ang kinarnap simula noong buwan ng Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan. Mula naman Abril hanggang sa ngayon, na 86 ng insidente ng carnapping ang naitala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Nabatid na ang bahagi ng Southern Metro Manila ang may pinakamataas ng bilang na insidente ng carnapping, kung saan nasa 107 ito. Kung saan ang pinakamababa ay ang Ca­loocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area at nasa 74 ang bilang ng insidente nito.

 Nabatid pa rin na ang sport utility vehicle (SUV) ang ma­benta sa mga carjacker.

 “That should set an alarm for commanders as the crime poses grave threat not just to the security of citizens but to the economy as well,” ayon kay NCRPO spokesman Supt. Rommel Miranda. (Lordeth Bonilla)

ABRIL

ENERO

KALAKHANG MAYNILA

KASABAY

LORDETH BONILLA

NABATID

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

ROMMEL MIRANDA

SOUTHERN METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with