^

Metro

Hired killer timbog

-

MANILA, Philippines - Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa apat na miyembro ng itinu­turing na most wanted hired killer ng Waray-Waray group at itinuturong responsable sa pagpatay sa isang dating kagawad ng Eastern Police District (EPD) makaraang ma­aresto ito ng awtoridad ka­hapon ng umaga sa lungsod Pasig.

Kinilala ni P/Insp. Os­car Boyles, hepe ng war­rant section ng Pasig Po­lice Station, ang suspek na si Oliver dela Cruz, alyas “Evil”, 25; binata, tubong Sta. Rita, Samar, umano’y miyembro ng kilabot na Waray-Waray Group at pansamantalang naninira­han sa Venancio Caliwang St., Brgy. Pinagbuhatan, ng nasabing lungsod.

Si Dela Cruz ay na­dakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Franco Falcon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 71, dahil sa kasong murder.

Sinasabi ni Boyles, mahigit kalahating taon na umano nilang tinutugis ang nasabing suspek mula ng mapatay nito sa pamamaril si PO2 Janno Condino, na dating nakatalaga sa Anti- Illegal Drugs Operation Task Force (AIDSOTF) sa Camp Crame noong naka­ra­ang Nobyembre.

Sa kasalukuyan ay pa­tuloy pa rin ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang grupo ng suspek na patuloy na nakakalaya pa na umano’y nagtatago sa Samar at Pangasinan. (Ricky Tulipat)

BOYLES

CAMP CRAME

EASTERN POLICE DISTRICT

JUDGE FRANCO FALCON

OPERATION TASK FORCE

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PASIG PO

RICKY TULIPAT

SAMAR

SHY

SI DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with