^

Metro

Ordinansa sa bingo games, ibinasura ni SB

-

MANILA, Philippines – Pinawalang-bisa ni Que­zon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte ang isang ordinansa na pumapabor sa operasyon ng isang outlet para sa tradi­tional at electronic bingo games sa lungsod.

Sa kanyang mensahe kay QC Vice Mayor Herbert Bau­tista at sa mga miyembro ng city coun­cil, sinabi ni Bel­monte na kailangan niyang iba­sura ang naturang ordinansa dahil sa ito ay illegal at hindi nito napapa­nga­lagaan ang social at moral welfare ng mga consti­tuents.

“Bound by his oath to abide by the dictates of the law, the under­signed is compelled to dis­approve the ordinance,” pa­hayag ni Belmonte.

Ang napawalang-bisang ordinansa ay ang naibigay na awtorisasyon sa Big-Time Gaming Corp. na mag-operate ng traditional at elec­tronic Bingo games at iba pang uri ng bingo games sa lungsod.

Binigyang-diin ni Belmonte na ang naturang ordinansa ay imbalido dahilan sa ang Sang­guniang Panlungsod ay wa­ lang kapangyarihan at walang awto­ ridad sa ilalim ng Local Govern­­ ments Code (RA 7160) na mag­bigay ng awtorisasyon sa alin­mang uri ng laro ng bingo sa lungsod.

Ang ordinansa din anya ay lumabag sa Article 195 ng Re­vised Penal Code na nag­­pa­pa­rusa sa nasasangkot sa anu­mang uri ng sugal. (Angie dela Cruz)


ANGIE

BELMONTE

BIG-TIME GAMING CORP

BINIGYANG

CITY MAYOR FELICIANO

CRUZ

LOCAL GOVERN

PENAL CODE

SHY

VICE MAYOR HERBERT BAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with