^

Metro

Libreng ataul available na sa Maynila

-

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan na available na ang libreng kabaong para sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod na namatayan ng kanilang mahal sa buhay matapos na ma­simulan ang sariling pagawaan nito sa Parking and Recreation Bureau (PRB) sa Manila North Cemetery.

Ayon kay Marzan, ang pabrika ng ka­baong ay “brainchild” ni Manila Mayor Alfredo S. Lim matapos na makatanggap ng reklamo ang city government na ma­raming patay na residente ng Maynila ang hindi nalalagay sa maayos na kabaong bunga na rin ng kawalan ng panggastos.

Ipinaliwanag ni Marzan na ang libreng kabaong ay para sa ‘paupers burial’ kung saan mula sa kabaong, chapel na pagla­lamayan at nitsong paglalagakan ay wa­lang babayaran kahit singko ang pamilya ng namatayan.

Kasabay nito, sinabi pa ni Marzan na hindi rin ito magagamit ng mga mapagsa­mantala, lalo na ng mga namumuhunan sa pasugalan dahil dadaan sa screening ang pamilya ng namatayan. Kailangan din ng pormal na liham at endorsement letter mula sa opisyal ng barangay at kailangan naka-address sa Mayor’s Office o kaya naman ay sa City Administration Office.

Idinagdag pa ni Marzan na may sapat na pondo ng mga ataul sa mga salat na salat na residente na nangangailangan nito para sa kanilang yumao. (Doris Franche)


AYON

CITY ADMINISTRATION OFFICE

DORIS FRANCHE

IDINAGDAG

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA NORTH CEMETERY

MARZAN

PARKING AND RECREATION BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with