^

Metro

3 toneladang hot meat nasamsam

-

MANILA, Philippines – Tatlong toneladang double dead meat ang na­sabat ng mga awtoridad sa Balintawak market ma­ta­pos ang isinagawang pag­salakay kahapon ng mada­ling-araw sa Quezon City.

Nadakip din ng pinag­sanib na tropa ng Quezon City Veterinary Office at National Meat Inspection Service sina Pedro Castro at Juanito Trinidad, na umano’y may dala ng na­sabing ilegal na karne.

Ayon sa ulat, nasam­sam ang naturang karne ng baboy makaraang isang tip ang matanggap ng pamu­nuan mula sa mga mami­mili at lehiti­mong negos­yante kaug­nay sa haya­gang pagbe­benta ng ga­nitong uri ng karne sa na­sabing pa­lengke sa murang halaga lamang.

Dahil dito, agad na nag­sanib puwersa ang dalawang grupo at minam­manan ang nasabing lugar ganap na alas-12 ng ha­tinggabi hanggang sa ma­ispatan ang tatlong van na puno ng hot meat. Nangi­ngitim na ang kulay, ma­daling mapunit ang laman, gayundin, may masang­sang na amoy ang mga karneng botya na na­kum­piska ng mga awto­ridad.

Samantala, pinaggi­giba rin ng pamunuan ang mga tindahan na sinasa­bing nagbebenta ng nasa­bing iligal na karne.

Ang balintawak market ang isa sa tinututukan ng health department dahil sa madalas na pagpuslit ng karneng botcha dito kung saan ilang ulit na ring nasa­salakay. Sinasabing ang hot meat ay inihahalo sa sa­riwang karne upang hindi ma­halata ng mga mami­mili. (Ricky Tulipat at Angie dela Cruz)


vuukle comment

ANGIE

AYON

BALINTAWAK

JUANITO TRINIDAD

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

PEDRO CASTRO

QUEZON CITY

QUEZON CITY VETERINARY OFFICE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with