^

Metro

3 dayuhan dawit sa human smuggling ipatatapon ng Bureau of Im­migration

-

MANILA, Philippines – Ipatatapon palabas ng bansa ng Bureau of Im­migration (BI) ang tatlong dayuhan na magkakahi­walay na dinakip kamaka­ilan sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) dahil sa pagkakadawit sa human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, ipapadeport ang tatlong dayuhan sa bisa ng deportation orders na inisyu laban sa mga ito ng BI board of commissioners noong May 5.

Iniutos na rin ni Liba­nan na maisailalim sa black­list ng BI ang mga dayuhan at pagmultahin ang mga ito ng tig-P50,000 dahil sa paglabag sa Phi­lip­pine immigration laws.

Ang mga nasabing dayuhan ay nakilalang sina Farhan Ahmed, isang Pa­kistani; Huang Guo Qiang, Chinese; at Thambi Raj Dhanapal, Malaysian.

Nadakip umano ang mga dayuhan sa tatlong magkakahiwalay na insi­dente sa NAIA ng mga ta­uhan ng migration com­pliance and monitoring group ng BI, dahil sa tang­kang pagbiyahe ng mga ito gamit ang mga pekeng travel documents.

Si Ahmed ay dinakip sa NAIA 2 noong Feb. 4, ha­bang papaalis sana patu­ngo sa Sydney, Australia gamit ang pekeng Aus­tralian visa sa kanyang pass­port. Inamin naman ng Pakistani na nakuha niya ang kaniyang pekeng visa mula sa Pinoy na nagngangalang Haji Musa.

Si Huang naman ay ina­resto rin sa NAIA 2 no­ong April 21, matapos na ma­hulihan ng pekeng Philippine passport nang dumating sa bansa galing sa Hongkong. Nagbayad umano siya ng P400,000 para makuha ang na­sa­bing pekeng pasaporte sa isang Chinese “fixer” sa Beijing.

Habang si Dhanapal na nakakulong sa BI jail s ay naaresto naman matapos mahulihan ng pekeng Ma­laysian passport. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IM

FARHAN AHMED

GEMMA AMARGO-GARCIA

HAJI MUSA

HUANG GUO QIANG

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

NINOY AQUINO INTER

SHY

SI AHMED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with