^

Metro

Lider ng drug syndicate, timbog

-

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nalansag na ng mga operatiba ng intelligence service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paglaganap na droga sa isang bayan sa Zambales matapos na madakip ang dalawa sa itinuring na lider ng sindikato rito na nakumpiskahan ng isang kilo ng shabu, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Dionisio R. Santiago ang naarestong suspek na si Ali Omar alyas Ali o Philip, lider ng drug syndicate na kumikilos sa Iba, Zambales at kasamahan nitong si Ibrahim Solaiman.

Batay sa ulat sina Solaiman at Omar ay dinakip sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cielito N. Mindoro ng Manila Regional Trial Court sa kanyang tirahan sa St. Joseph Homes­ville, Sitio Balili, Brgy. Palangian, Iba, Zambales.

Bukod sa shabu, nakumpiska rin sa dalawa ang isang kalibre .45 baril , isang kalibre .22 , mga bala para sa 9mm at 15 rounds para sa kalibre 5.56.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang pagdakip sa mga suspek nang makipagtransak­syon umano si Omar sa pamamagitan ng consignment basis mula 25 gramo hanggang mahigit sa 200 gramo kada bentahan ng shabu.

Pansamantalang nakapiit sa PDEA detention facility ang dalawa habang ini­hahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165. (Ricky Tulipat)


ALI OMAR

DIONISIO R

DIRECTOR GEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

IBRAHIM SOLAIMAN

JUDGE CIELITO N

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

OMAR

RICKY TULIPAT

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with