Pedopilyang Australyano, arestado

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal In­vestigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang pedophile na Aus­tralian doctor makaraan itong mahuli sa aktong minomolestiya ang isang 12-anyos na bata sa park­ing lot ng isang condo­minium sa Makati City.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Raul Cas­tañeda ang naarestong sus­pect na si Marcus Hodge, 47.

Nasakote rin ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang umano’y bugaw na si Wilson Culling, 21. 

Ayon kay Senior Supt. Theresa Cid ng CIDG Wo­men’s and Children’s Pro­tection Office na na­aresto si Hodge at si Culling sa loob ng sasakyan ng na­turang Australian doctor dakong alas-7:45 ng gabi nitong Linggo habang mi­no­­molestiya ang isang labing dalawang taong gulang na bata.

Bago nangyari ang na­tu­rang police operation, humingi umano ng tulong ang batang biktima para sa pagkadarakip sa Aus­tralian pedophile dahil ilang ulit umano siya nitong pi­nag­samantalahan. Sinabi pa ni Cid na umamin din si Culling na dati niyang kli­yente si Hodge bago ito nag­pasya na maging bu­gaw dahil na rin daw sa kahirapan sa buhay.

Nabawi ng mga awto­ridad kay Hodge ang dala­wang underwear, mga condom at jelly ointment. Sinampahan naman ng PNP-CIDG ng kasong pag­labag sa Anti-Traffick­ing in Person Act of 2003 sina Hodge at Culling sa Makati City Prosecutor’s Office.

Show comments