^

Metro

Tanod inilaglag sa tricycle ng dinakip na amok, patay

-

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang miyembro ng Ban­tay Bayan ng Mandaluyong City makara­ang mabagok ang ulo matapos na ihulog   sa tricycle ng kanyang inarestong nagwa­walang suspek, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan Medical Center dahil sa matinding sugat sa ulo ang biktimang si Tagayon Canuto, miyembro ng Bantay Bayan at resi­dente ng Brgy. Daang Bakal, ng natu­rang lungsod. Hindi naman nakatakas sa batas ang mga suspek na nakilalang sina Joseph Mahinay, 45, ng #1333-A Rita street at Jose Segovia, 32, tricycle driver, residente ng #201 A. Villa street, Brgy. Batis, San Juan City.

Sa ulat ng Mandaluyong Criminal In­ves­tigation Unit, dakong alas-11 ng gabi nang respondehan ng mga miyembro ng Bantay Bayan kasama si Canuto ang isang sumbong tungkol sa nagwawalang lalaki sa may kanto ng Gen. Kalentong at Haig street sa Brgy. Daang Bakal. Dito nila inaresto si Mahinay na nagha­hamon ng away sa naturang lugar. Na­puwersa naman ang mga kasamahan ni Canuto na iwan sa kanya si Mahinay upang rumesponde sa isa pang ulat ng kaguluhan sa lungsod. Sa puntong ito, na­gawang makatakbo ni Mahinay na hinabol naman ni Canuto hanggang sa muling maaresto ang suspek sa may terminal ng tricycle sa may F. Blumentritt St. sa Brgy. Daang Bakal.

Dito isinakay ni Canuto ang suspek sa tri­cycle na minamaneho ni Segovia. Muling nagwala ang suspek kung saan nagawa nitong maitulak ang biktima palabas sa umaandar na tricycle sanhi upang mabagok ang ulo nito. Hindi naman hinintuan ni Segovia ang biktima at nagtuloy sa pag-andar.

Nadakip naman si Mahinay sa isina­gawang follow-up operations ng pulisya habang dinakip rin si Segovia na itinuring na kasabwat sa krimen dahil sa pag-iwan sa biktima. Kapwa nahaharap ang mga ito sa kasong homicide. (Danilo Garcia)


A RITA

BANTAY BAYAN

BLUMENTRITT ST.

BRGY

CANUTO

DAANG BAKAL

MAHINAY

MANDALUYONG CITY

SEGOVIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with