^

Metro

98 grumadweyt sa ABAKADAmayan

- Ni Melita Dioso -

MANILA, Philippines - Idinaos nitong naka­raang Biyernes ang ikaanim na graduation ceremony ng ABAKA­DAmayan, isang education project ng Operation Damayan ng Star Group of Publication na tumu­tulong sa mahihirap na mga kabataan na ma­kapagtapos sa high school.

Sa taong ito, may 98 estudyante na nakapasa sa Accreditation and equivalency Test ng Department of Education ang nagsipagtapos sa ABAKADAmayan.

Panauhing tagapag­salita sa graduation ceremony­ si Dr. Carolina Guerrero, director ng Bu­reau of Alternative Learning System ng DePed.

Nakakuha ng first honor sa taon ding ito si Dionisio Aclo na nag­tamo ng score na 123; Second honor si Rose­marie Tolentino na me­rong score na 120 at third honor si Aurora Andres, 115 score. Pinagkalo­oban ng medalya at isang gift pack mula sa Star ang mga honor student. Bawat graduate naman ay nakatanggap ng P500 cash gift mula kay Miguel Belmonte, president at CEO ng Star Group of Publication. Bukod pa rito ang ka­nilang 8” x 10” framed graduation photo.

Sa kanyang valedictory speech, sinabi ni Aclo na “laging may pu­wang ang pag-unlad, gaano ka man katanda.”

Habang tumatagal, dumarami ang sumasali at nagtatapos ng high school sa tulong ng ABA­KADAmayan.

Meron lang itong tat­long graduate noong 2004; dalawa no­ong 2005; na­ging siyam noong 2006; 14 noong 2007; 21 noong 2008; at hang­gang uma­bot sa 98 ngayong taong ito.

ACLO

ALTERNATIVE LEARNING

AURORA ANDRES

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. CAROLINA GUERRERO

MIGUEL BELMONTE

OPERATION DAMAYAN

SHY

STAR GROUP OF PUBLICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with