Lola pisak sa taxi
MANILA, Philippines - Pisak ang bungo ng isang lola makaraang araruhin ng taxi kahapon sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Labor Hospital ang biktimang si Primitiva Bayona, 76, biyuda at kasalukuyang naninirahan sa Blk.-25,lot-3 Project-4 sa nasabing siyudad.
Matapos dalhin sa naturang pagamutan ang biktima, sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Edgar Reola, 39 , taxi driver at pansamantalang nanunuluyan sa Pasay City.
Base sa imbestigasyong isinagawa ni PO2 Renato Sunga ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) Traffic sector-3 naganap ang pangyayari bandang alas-6:45 ng umaga sa Katipunan Road malapit sa kanto ng P.Tuazon St., Proj. 4 ng nabanggit na lungsod.
Sinasabing minamaneho ng suspek ang Arandia Line Taxi (TYR-915) sa nasabing lugar nang biglang tumawid ang biktima galing sa island ng kalsada na may concrete barrier kaya nasalpok ito na naging dahilan sa agarang kamatayan ng biktima. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending