Bus holdap sa EDSA, umariba

MANILA, Philippines - Patuloy na namama­yag­pag ang kilabot na high­way rob­bery-holdup gang sa lungsod ng Que­zon kung saan isa na namang pam­pasaherong bus ang binik­tima ng mga ito dito kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Station 10 ng Quezon City Police, isang pam­pasaherong bus na Barkat Pub (TXP-301) sakay ang 10 pasahero ang hinol­dap ng apat na kalalakihan na armado ng baril at granada sa may kahabaan ng EDSA par­tikular sa West Avenue sa lungsod.

Ayon sa driver na si Fran­cisco Manio, 36, hindi niya na­tandaan kung saan lugar su­makay ang mga suspek dahil karamihan sa pasaherong sumakay sa kanila ay paisa-isa lamang.

Sinasabing alas-8 ng gabi nang holdapin ng grupo ang naturang bus sa nasabing lugar matapos na tutukan ng baril at mag­banta ang mga ito na pasa­sabugin ang bus kung li­likha ang mga sakay dito ng ingay.

Matapos makuha ang mga kagamitan at pera ng mga bik­tima ay mabilis na nagsipag­babaan ang mga suspek ma­lapit sa GMA station.

Ito ang pangatlong insi­dente ng bus robbery/hold­up incident na naganap sa ka­habaan ng EDSA sa lungsod. Isa sa biktima nito ay ang ROV Transport Ser­vices (PVH-389) na may 15 pasa­hero na puro mga estudyante at isang pampasaherong bus na bumibiyahe sa Susana Heights South Superhighway patungong Mantrade sa Edsa Makati City.

Samantala, sa pana­yam sa mga biktima ng Barkat bus, duda sila na ka­sabwat ng mga suspek ang driver ng bus dahil sa halip na huminto umano ito ay nagdire-diretso lamang sa pagtakbo kahit alam umano nitong maaari silang maka­hingi ng tulong sa malapit na himpilan ng pulisya.

Ayon naman sa awtori­dad, nagsasagawa na sila ng im­bes­tigasyon kaugnay dito, kung saan may sa­pan­taha silang iisa ang grupong nam­biktima sa naturang mga bus.

Show comments