^

Metro

BI employee sinibak sa kotong

-

MANILA, Philippines - Sinibak ang isang confidential agent ng Bureau of Immigration (BI) kasu­nod ng pagkakaaresto nito noong isang linggo sa aktong tumatanggap ng P25,000 mula sa isang babae na nag-a-apply ng dual citizenship para sa apo nito.

Kinilala ni Immigration Administrative chief Atty. Felino Quirante Jr. ang empleyado bilang si Boni­facio Carreon, na naka­talaga sa civil security unit (CSU) ng ahensiya. Na­aresto siya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa isang coffee shop sa harap ng BI building sa Intramuros.

Ayon kay Quirante, tinanggal ni BI Commissioner Marcelino Libanan ang serbisyo ni Carreon, na inatasan ding isuko ang kanyang identification card sa administrative division ng ahensiya.

Binalaan din ni Libanan ang ibang empleyado ng BI na huwag magsagawa ng pangongotong at iba pang iregularidad dahil hindi siya magdadala­wang-isip na sipain sila sa tungkulin.

Pinayuhan naman ni Quirante ang mga nakiki­pag­transaksiyon sa BI na makipag-usap sa mga windows ng ahensiya at huwag makipag-usap sa “fixers” o mga empleyado na nag-aalok ng mabilis na pag­ kilos ng kanilang mga doku­mento kapalit ng bayad.

Batay sa ulat, hinuli si Carreon bunsod ng rek­lamo ng isang Erlinda Santos ng Pasig City. Sa salaysay ni Santos, naba­tid na humingi si Carreon ng P80,000 kapalit ng pag­proseso ng aplikasyon ng kanyang apong Hapo­nes upang kilalanin bilang Philippine citizen.

Aniya, natanggap ni Carreon ang kabuuang halaga mula sa kanya sa tat­­long magkakaibang okas­yon ngunit hindi nata­pos ang mga dokumento ng apo nito. Pagkatapos, humingi pa si Carreon ng dagdag P25,000 kaya napilitan ang complainant na ireklamo ito sa NBI. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

CARREON

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

ERLINDA SANTOS

FELINO QUIRANTE JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION ADMINISTRATIVE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with