Pagpapalayas sa oil depot sa Manila, tuloy na tuloy na

MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy na ang pagpa­palayas sa tatlong malalaking kompanya ng langis sa Maynila. Ito ay matapos na tuluyang iba­sura ng Korte Suprema ang ika­lawang motion for reconsi­de­ration (MR) ng Chevron Phils., Inc, Petron Corporation at Pili­pinas Shell Petroleum Corp.

Dahil dito pinagbawalan na rin ng Mataas na Hukuman ang Big 3 na magsumite ng kanilang mga pleadings kaugnay sa kaso base sa nakasaad sa Section 2, Rule 52 ng Rules of Court. Base sa 4 na pahinang resolusyon ng Korte Suprema, naipasa na nila ang basic issues sa kanilang Feb.13, 2008 reso­lution na nagsasabi na ang argu­mento ng tatlong kom­panya ng langis ay pawang pa­ulit-ulit lamang maging sa kanilang inihahaing apela.

Iginiit din ng Korte na nagsi­simula nang sumunod ang Big 3 sa kanilang kautusan na nag­papatalsik sa oil depot sa May­nila matapos silang magsumite ng required plans sa Manila Regional Trial Court (RTC).

Nakasaad sa February 2008 resolution, binasura ng Korte Suprema ang apela na inihan ng Big 3 at nag uutos sa lokal na pamahalaan ng May­nila na kaagad ipatupad ang Ordinance No. 8027 na nag-re­classified sa bahagi ng Distrito ng Pandacan at Sta. Ana mula industrial patungo sa commer­cial matapos na lumabas sa pag­­susuri na ang nasabing lugar ay vulnerable sa pag-atake ng terorista.

Inihalimbawa pa ng Korte ang nangyaring insidente noong January 23, 2008 kung saan ang isang depektibong tanke na naglalaman ng 2,000 liter ng gasolina at 14,000 litro ng diesel ay sumabog sa gitna ng kalsada ilang metro lang ang layo mula sa gate ng Pandacan Terminals na maaring magdulot ng kamatayan, damage at pag­katakot sa mga residente dito.

Inatasan din ng Korte Su­prema ang Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 39 na is­trik­tong ipatupad ang resolution. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments