^

Metro

Bagong modus sa bus holdap, binubusisi

-

MANILA, Philippines – Isang bagong modus ope­randi ng panghoholdap sa mga pampasaherong bus ang nireresolba ngayon ng Que­zon City Police kung saan ang suspek ay gumagamit ng kot­se at hinaharang ang na­sa­bing sasakyan saka ho­holdapin.

Ito ang nabatid makaraang dumulog sa tanggapan ng Station 10 ng QCPD ang mga biktimang sina Jonathan Bar­tolome, 24, driver; at konduk­tor nitong si Arnie Felizarta, 26, binata; kapwa residente ng Dahlia St., Brgy. San Jose Caloocan City na nabiktima ng nasabing suspek sakay ng isang kulay gray na kotse (TNC-311).

Ayon sa pulisya, kung dati ang highway robbery suspect ay sa loob ng pampasaherong bus pumoposisyon, ngayon ay sa labas na lamang gamit ang isang sasakyan.

Ayon naman sa mga bik­tima, nag-iisa lamang umano ang nasabing suspek na armado ng baril nang sila ay holdapin at tangayin ang halagang P7,000 na kanilang kinita sa buong araw na pa­ma­masada.

Nangyari ang insidente sa may stop light sa kahabaan ng East Avenue, corner Ma­tapang St., Brgy. Pinyahan sa lung­sod ganap na alas-7:30 ng gabi.

Sakay si Bartolome ng mi­namaneho nitong Jell Trans­port bus (TVZ-953) kasama ang konduktor na si Felizarta at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang harangin ng sasakyan ng suspek.

Agad na bumaba ang sakay ng nasabing kotse bitbit ang hindi mabatid na baril saka pinuntirya ang dalawa at nagdeklara ng holdap.

Diumano wala nang na­gawa ang dalawa dahil bigla silang pinaghahataw ng sus­ pek hanggang sa tuluyang kunin ang kinita nilang pera saka mabilis na tumakas sa­kay ng kanyang get-away car.

Ayon sa pulisya, sa nga­yon tinututukan nila ang na­kuhang plate number ng sa­sakyan ng suspek upang ma­padali ang pagkilala dito. (Ricky Tulipat)


ARNIE FELIZARTA

AYON

BRGY

CITY POLICE

DAHLIA ST.

EAST AVENUE

JELL TRANS

JONATHAN BAR

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with