^

Metro

2 bus holdap magkasunod na naitala

-

MANILA, Philippines – Ilang araw matapos ipahayag ng hanay ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime rate sa laban ni Peoples Champ Manny Pacquiao at Ricky “The Hitman” Hatton, tila balik sa normal na operasyon na naman ang kawatan, ma­tapos ang magkasunod na highway robbery sa mga pampasa­ he­rong bus ang naitala sa isa sa Quezon City at sa Makati kamakalawa ng gabi at kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat sa Station 10 ng QCPD, ang huling insidente ay naganap alas- 11:30 ng tanghali sa may EDSA/ Quezon Avenue kung saan hinoldap ng apat na armadong kalalakihan ang ROV Transport Services (PVH-389) na may 15 pasahero na puro mga estudyante.

Ayon kay Bryan Ortega, driver ng na­turang bus na may biyaheng Letre-Ayala, ang mga suspek ay magkakahiwalay na sumakay sa kahabaan ng Edsa kung saan pagsapit sa nasabing lugar ay saka nag­deklara ng holdap gamit ang baril at patalim.

“Lumapit po sa ’kin ang isa akala ko magtatanong lang, pero bigla akong tinu­tukan ng baril sa ulo, saka deklara ng holdap,” sabi pa ni Ortega.

Kasunod nito, agad na nilimas ng mga suspek ang dalang gamit ng mga biktima, bago tuluyang bumaba at tumakas pagsapit sa GMA station ilang metro ang layo sa himpilan ng Station 10 ng QCPD.

Bago ito, alas-7:30 ng gabi kama­kalawa ay naitala rin sa nasabing istas­yon ang panghoholdap ng tatlong arma­dong kalalakihan sa isang pampa­saherong bus na bumibiyahe sa Su­sana Heights South Superhighway pa­tungong Mantrade sa Edsa Makati City. (Ricky Tulipat)


AYON

BRYAN ORTEGA

EDSA MAKATI CITY

HEIGHTS SOUTH SUPERHIGHWAY

PEOPLES CHAMP MANNY PACQUIAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with