^

Metro

Kampo ni Ted Failon, reresbak sa QC police

-

MANILA, Philippines – Plano ng kampo ni ABS-CBN anchor Ted Failon na resbakan ang mga pulis Quezon City na umaresto at nagkulong sa mga kasambahay nito kamakailan.

Ayon kay Atty. Alfred Molo, abogado ni Failon, pinag-aaralan nilang ka­suhan ng arbitrary deten­tion ang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Unit dahil sa hindi makatwirang pag­dakip at pagkulong sa mga kasambahay ni Failon ma­tapos ang naganap na pag­kamatay ng misis nitong si Trina.

“Arbitrary detention is a possible charge against the complainants but we are still studying that,” pahayag ni Molo.

Ito’y matapos na iba­sura kamakalawa ng Que­zon City Prosecutors’ Of­fice ang obstruction of jus­tice na isinampa ng mga pulis laban kay Failon at limang mga kasambahay dahil sa umanoy gina­gawang paglilinis sa pi­nangyarihan ng insidente at hindi pagrereport sa pulisya sa pangyayari.

Dinismis naman ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdi­diin sa mga ito. (Angie dela Cruz)


ALFRED MOLO

ANGIE

AYON

CITY PROSECUTORS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

CRUZ

FAILON

QUEZON CITY

SHY

TED FAILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with