^

Metro

Patay nabuhay!

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Matapos ideklarang dead-on-arrival ang isang 19-anyos na obrero na na­kuryente sa itinatayong gusali, ilang sandali lang ay muli itong nabuhay ka­hapon ng umaga sa Sam­paloc, Maynila.

Gayunman, nasa kri­ti­kal pang kondisyon at pa­tuloy na ginagamot sa University of Santo Tomas (UST) Hospital ang bikti­mang si Romnick Panga, binata, ng Egapol Cons­truction Company, tubong Dumaguete Province.

Batay sa imbestigas­yon ni SPO3 Severino Sa­gum ng Manila Police Dis­trict-Station 4, dakong alas-9 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa 3rd floor ng isang ginagawang 4-storey commercial and residential building sa 1605 Loyola St., Sampaloc.

Nabatid na habang iti­natayo ng biktima ang ma­laking bakal sa ikatlong pa­lapag ng gusali ay aksi­den­teng nadikit ito sa bukas na linya ng kuryente sanhi upang bigla itong ma­ngi­say. Mabilis itong   isinugod sa kalapit na UST Hospital ni Engr. Nick Policarpio at Toto Tuayon, ng Egapol Construction.

Agad umanong idinek­la­rang dead-on-arrival ni Dra. Christina Lagunilla ang biktima, gayunman si­nu­bukan pa rin itong i-revive at ilang sandali pa ay na­gulat sila na muling rumes­ponde ang katawan at muling nabuhay.

Matinding sunog sa ka­tawan ang natamo ng bik­tima na nilulunasan at ma­lubha pa rin ang kondisyon nito, ayon sa ulat. Patuloy pang tinututu­kan ng pu­lis­ya ang kaso at kung sino ang may pana­na­gutan sa pag­­kakakur­yente sa biktima.


CHRISTINA LAGUNILLA

DUMAGUETE PROVINCE

EGAPOL CONS

EGAPOL CONSTRUCTION

LOYOLA ST.

MANILA POLICE DIS

NICK POLICARPIO

ROMNICK PANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with