Dalagita ginahasa ng textmate

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na da­lagitang itinago sa alyas na Lenny ng Taguig City ang ginahasa umano bago ni­nakawan ng cellphone ng isa niyang textmate sa loob ng isang motel sa Tayu­man, Sta. Cruz, Manila kamaka­lawa ng hapon.

Sinabi ni Lenny na kilala lang niya sa pangalang Alex­ ander ang suspek na resi­dente umano ng Pasay City.

Sinabi ni Lenny na nag­tagpo sila ni Alexander sa Pasay City bago sila na­masyal at naglakad-lakad hanggang maka­rating sila sa Maynila.

Pagdating nila sa Tayu­man ay ipinasok siya ng suspek sa isang motel doon at binantaan siyang pa­patayin kung papalag siya.

Nagawa umano ni Alex­ander na magahasa si Lenny bandang alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon nitong nagdaang Sabado.

Nang makaraos si Alex­ander, iniwan niya si Lenny sa motel at tinangay din ang cellphone na Nokia 5000 ng biktima.

Nagsumbong si Lenny sa kanyang ina nang makauwi siya sa kanilang bahay kinagabihan hang­gang sa maghain sila ng reklamo sa Manila Police District. (Ludy Bermudo)

Show comments