^

Metro

Bebot namatay sa 'sarap'

-

MANILA, Philippines - Sobrang “kaligayahan” sa kama ang sinasabing dahilan ng ikinamatay ng isang babae na natagpuang bangkay sa loob ng isang unit ng condominium na tinutuluyan ng isang Israeli national na nakasiping ng biktima sa Legaspi Village, Makati City.

Wala nang buhay nang madiskubreng nakahiga sa silid-tulugan ng Unit 30H, 30th floor, Greenbelt, Park Place Condominium, Pa­lanca St., Legaspi Village ang bikti­mang kinilalang si Virgie Ulanday, alyas “Mi­chelle,” 24 anyos, residente ng 101-D Santiago St., Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Noel Bardiñas ng Station Investigation and Detective Management Branch, Homicide Unit, may dala­wang buwan na ang naka­raraan nang unang magka­kilala ang biktima at ang Israeli national na si Doron Elimelech, 51, sa Havana Club, Greenbelt Square.

Nagkaroon ng magan­dang relasyon ang biktima kay Elimelech na nauwi sa madalas nilang pagtatagpo.

Nabatid na ala-1:30 ng madaling-araw, muling nag­kita ang dalawa at kumain pa sa isang fast food sa Greenbelt Square at ma­kalipas ang 25 minuto, nag­pasya ang dalawa na mag­palipas ng magdamag sa condominium unit ni Eli­melech.           

Dakong alas-9 ng umaga, nang gigisingin na sana ni Elimelech ang babae, hindi na ito nagka­malay kahit pa man isinugod sa Ospital ng Maynila.

Walang nakitang anu­mang external injuries ang mga doktor sa katawan ng biktima na hinihinalang po­sibleng namatay dahil sa sobrang pagod o sobrang kaligayahan sa pakikipag-talik sa naturang banyaga. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

D SANTIAGO ST.

DORON ELIMELECH

ELIMELECH

GREENBELT SQUARE

HAVANA CLUB

HOMICIDE UNIT

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with