Kelot natagpuang patay

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awto­ridad kung ano ang naging dahilan sa pagkakapaslang sa isang lalaki na natagpu­ang patay sa kanyang pinag­tatrabahuan kahapon sa Quezon City.

Hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktimang si Ariel Am­bawas, 20-taong gulang, dating gu­wardiya at residente ng Tondo, Manila.

Sa inisyal na ulat nina SPO1 Rodrigo Barrameda at PO3 Gregorio Maramag ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and De­tection Unit, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-6:50 ng umaga sa loob ng Carzone Quality Used Car sa 093 Edsa, Brgy. Philam sa Quezon City.

Unang nakita ang bang­ kay ng biktima na nakahiga at puno na ng dugo ang ka­tawan dahil na rin sa tina­mong tama ng bala ng cal. 38 sa kanyang ulo.

Mayroon umanong naka­inuman ang biktima na hu­migit kumulang sa limang katao na maaring may kinala­man sa pangyayari. (Ricky Tulipat at Angie dela Cruz)


Show comments