^

Metro

'Gamitan' sa City Hall bubusisiin

-

MANILA, Philippines - Ilang empleyado ng Ma­nila City Hall ang gumagamit umano sa pangalan ni Mayor Alfredo Lim at ng iba pang ma­tataas na opisyal ng pama­halaang-lunsod para maka­hingi ng mga kaukulang pabor.

Ito ang nabatid kahapon sa chief of staff ni Lim na si Ric de Guzman na nagsabing pinaiimbestigahan na niya ang naturang mga katiwalian bagaman hindi siya nagbang­git ng pangalan ng mga tiwaling empleyado.

Tiniyak ni de Guzman na kakasuhan at tatanggalin sa trabaho ang empleyadong mapapatunayang gumagamit sa pangalan ni Lim.

Nauna rito, mariing iti­nanggi ni Manila Bureau of Permits chief Nelson Alivio na wala siyang relasyon sa isang driver ng isang departa­mento na ipinatapon sa Vitas Slaughterhouse matapos na lumabag sa ilang patakaran. Ipinagmamalaki ng driver na ito na kamag-anak niya si Alivio. Hindi muna binanggit ang pangalan ng driver habang sinasailalim pa sa imbestigasyon.

Kaugnay nito, binalaan na rin ni Nancy Martin, Officer in Charge ng Manila City Per­sonnel ang ibang mga em­pleyado na gumagamit ng ibang pangalan sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Martin, dapat na gamitin ng isang empleyado ang kanyang pangalan batay na rin sa record nito sa City Hall at hindi dapat na gumamit ng ibang pangalan para ma­ka­kuha ng pabor at kada­la­sang ginagamit na panakot. (Doris Franche)


CITY HALL

DORIS FRANCHE

GUZMAN

MANILA BUREAU OF PERMITS

MANILA CITY PER

MAYOR ALFREDO LIM

NANCY MARTIN

NELSON ALIVIO

PANGALAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with