Preso nadulas sa selda, patay

MANILA, Philippines - Isang preso sa Quezon City Police District-Station 3 (Talipapa) ang nasawi maka­raang mawalan ito ng ba­lanse at bumuwal sa se­mento sa loob ng nasabing kulungan kahapon ng ma­daling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Ramil Clemente, 23, walang trabaho, ng Balin­tawak Que­zon City. Naku­long siya dahil sa droga.

Nauna rito, nakikipagku­wen­tuhan si Clemente sa ibang mga preso sa selda nang bigla siyang tumayo pero nawalan siya ng ba­lanse hanggang bumagsak sa se­mento at mawalan ng malay.

Isinugod ng mga pulis ang biktima sa Quezon City Gene­ral Hospital pero na­lagutan din ito ng hininga. (Ricky Tulipat)

Show comments