^

Metro

Bebot na Bombay tinodas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang babaeng Bom­bay ang kagyat na nasawi matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng Central Market sa Sta. Cruz, May­nila kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO2 Ri­chard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dalawang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng bikti­mang si Kirandeep Kaur, 40, residente ng 3284 V. Cruz St., Sam­paloc, May­nila.

Isang mamimili na na­damay lamang ang suga­tan at nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center na kinilalang si Marietta Garcia, 44-anyos, ng 1011 Quintin Paredes St., Sampaloc.

Wala naman umanong kinuhang salapi mula kay Kaur ang salarin.

Nagsisimula pa lang maningil ng mga pautang sa palengke ang biktima nang barilin ito ng suspek.

Sa paglalarawan ni PO1 Oliver Oliveros ng MPD-Traffic Bureau, ang suspek na nakipagpalitan pa ng putok sa kanya nang ha­bu­lin niya ay 6-footer, payat at nakasuot ng checkered na long sleeve na light blue.

Isang tindero, si Ariel Claro, ang nagsabing na­kita niya ang na­sabing suspek na huma­hangos papalabas ng pa­lengke at habang tuma­takbo ay nagpapalit ng t-shirt at hinubad ang checkered­ na long sleeve.

Dahil sa pagsigaw niya ng “magnanakaw, mag­na­­nakaw…” ay pinapu­tukan siya ng kalibre .45 na swerteng nailagan umano niya pero si Garcia ang na­sapol sa pigi habang namimili.

Habang lumalayo sa humahabol ay itinututok umano nito ang baril na hawak hanggang sa su­mapit sa Quezon Boulevard at agad na sumakay sa motorsiklo sa naghi­hintay sa kanyang lalaki na nagmamaneho nito at pinasibad.

vuukle comment

ARIEL CLARO

CENTRAL MARKET

CRUZ ST.

ISANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KIRANDEEP KAUR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIETTA GARCIA

OLIVER OLIVEROS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with