Truck driver todas sa helper
MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na truck driver ang napatay ng kanyang nakaalitang pahinante sa Parola Compound, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Joey Ubon, ng Pier 18 Tondo, Maynila bunga ng tinamong dalawang saksak sa katawan. Tinutugis naman ang tumakas na suspek na kilala lamang sa alyas na “Ago”, truck helper.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng MICT Holding Area sa Parola Compound, Tondo.
Nabatid na lasing ang suspek at inabutang naliligo ang truck driver na agad niyang kinompronta. Hindi naman ito pinatulan ng biktima na lalong ikinagalit ng suspect kung kaya nagbunot ng patalim ang huli at saka isinaksak sa una. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending