Kampo ni Lozada giit na huwag sa MaÂnila City jail ipiit ang ZTE witness
MANILA, Philippines - Mananatili pa si ZTE witness Rodolfo “Jun” Lozada sa kustodiya ng MPD-Warrant Section dahil wala pang inilalabas na commitment order si Metropolitan Trial Court Branch 26 Judge George Lorredo, na umano’y naka-leave at hindi rin nire solba ang inihaing mosyon ng kampo ni Lozada na huwag itong ikulong sa Manila City Jail at sa halip ay ipiit na lamang sa Manila City Hall-District Special Project Unit (DSPU).
Agad namang inilapit ang isyu sa pairing judge ni Lorredo na si Judge Romeo Rabacca ng MTC Branch 25 subalit tumanggi ang hukom kaya iniakyat kay Executive Judge Sarah Alma-Lim ng Branch 15 MTC ang isyu.
Gayunman, tumanggi din si i Judge Lim sa katwirang dapat ang court of origin ang magresolba ng usapin kaya’t bumalik na lamang sa MTC Branch 26, sa clerk of court ni Lorredo ang abugado ng mga madre bilang kinatawan ni Lozada at doon ay itinakda na lamang ang arraignment sa kasong perjury ni Lozada sa Mayo 7, alas-8:30 ng umaga. Sa Mayo 8, naman ay isusunod na ang pagresolba sa Urgent Motion ng mga madre na humihiling na sa DSPU makulong si Lozada.
Iginiit ng mga madre na nais nilang mailagay sa ligtas na kalagayan si Lozada at matiyak na mapoprotektahan ang kan yang kalusugan at mas madaling makaharap o dalawin. Bukod umano sa mas nakatitiyak sila ng kaligtasan ni Lozada sa DSPU, hindi rin umano makakayanan nito ang mapunta sa siksikang piitan lalo’t asthmatic umano ito. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending